Ang True Love ni Papel #Part2

Jul 29, 15 • Everyday, PapelNo CommentsRead More »

Naranasan mo na bang sumikat?

 

Lahat tayo gusto nun. Malamang libo-libo kung hindi milyon-milyon ang magsasabi ng oo kung tatanungin mo sila isa-isa. Gusto nating makilala, gusto nating mapansin, makilala, hangaan, at makilala. Oo alam ko, paulit-ulit! Nakakainis di ba!?

 

Makilala… Makilala… Makilala…

 

Sino ba namang may ayaw, lalo na kung ang crush mo ang makakakilala sa’yo, o yung iniidolo mong singer na weirdo at out of this world manamit, o kahit man lang ng bagong lipat na kapitbahay niyong cute, macho, at may abs. Goal lagi ng tao yan, ang makilala. As a matter of fact, yun yung pinakaunang ginagawa ng isa’t-isa sa unang pagkikita… well, except kay Papel…

 

Isa na marahil siya sa mga taong gifted with an irresistible charm and good looks na kahit maglakad lang siya sa corridor e kilala mo na agad siya. Maririnig mo na ang mga usap-usapan sa paligid mo ng mga taong sinasambit ang pangalan niya. She’s just too good to be true. Hindi siya snob. Mabait siya at yun yung nakadagdag points sakanya. She’s very approachable and down to earth. Walang hangin, walang keme-keme, walang nakakaturn-off. She’s the perfect example of your dream girl or your chic-next-door. Everybody wants to be her friend… well, except me…

 

Lagi namang except me. I wanna be exceptional. Hindi ko trip sumabay sa uso; para sa akin, mga losers lang ang nakikiuso. Walang identity at walang puwang sa mundo. I wanna be different, I wanna make a difference, at I wanna leave an impact in this world that will be felt by my generation and the generation after me at nangyari nga yun isang araw… Isang malaking impact ang nagawa ko sa lecheng glass door ng isang sikat na mall malapit sa boulevard of broken dreams!

 

BUGOOOOOOG!!!

 

Sa sobrang pag-iisip ko ng kung anu-ano, hindi ko napansin ang lecheng pintuang wagas sa linis! Tumingin ang lahat ng tao sa akin! Sobrang nakakahiya pero life must go on, kelangang magmove-on para magkaroon ng growth, at oo, kelangan ko sabihin ang lahat ng excuses na yun sa sarili ko para pampalubag loob…

 

Pagpasok na pagpasok ko sa mall kasabay ng late realization kong may pintuan rin pala siya, tinanong agad ako ng guwardiya kung okay lang ba ako. Sinagot ko namang okay lang kahit na hindi at kahit na gusto ko na siyang sapakin dahil halatang pinipigilan niya lang ang tawa niya para hindi ako mahiya. Punyeta! Sa totoo lang gusto ko na talaga umuwi nun eh, pero hindi puwede dahil may kelangan akong bilhing materials para sa project na pinapagawa ni Mrs. Kaldereta sa Biology class namin kung saan for some unknown nanadyang reason, kagroupmate ko si Papel.

 

Put*ng in*ng buhay ‘to oh!

 

to be continued…

 

Tags: , , , , ,