Ang True Love Ni Papel: Selfish Shellfish

Jul 14, 15 • Everyday, PapelNo CommentsRead More »

 

July 12, 2013 05:33PM

 

Dear whoever ka man na nakakabasa nito,

 

Napariwara ako. Nabaliw. Naloka. Nawala sa katinuan… Lahat ng yun isinisisi ko sa pag-ibig at mga pangakong hindi nakayang tuparin ng mga taong minsang nagparamdam sa akin na may forever…

 

Tawagin niyo na akong malandi, salawahan, pokpok, at kung anu-ano pa na magpapasaya sa inyo, pero sa sandaling panahong nakasama ko si Lapis at Bolpen; naging iba ako. Sabi nila pag totoong mahal mo raw ang isang tao, hindi mo naman siya gustong makasama dahil masaya ka eh or dahil you simply feel good around him; gusto mo siyang makasama because you love the person you are becoming everytime you are with them…

 

I’m simply undecided. Inaamin ko yun. Alam ko in one way or another nasaktan ko sila kaya nga ako na yung bumitaw at lumayo. Wala na akong tamang desisyon na nagagawa dahil parehas naman nilang naibibigay ang pangangailangan ko, pero bakit pa kasi kelangang mamili? Bakit pa kasi kelangang isa lang? Alam kong selfish ako para tanungin ‘to, pero hindi ba mas maganda kung wala na lang labels? Kung wala na lang lock-out? Kung sana malaya na lang kaming maging masaya na hindi kelangang may mas mangibabaw? I mean, come on, ang babata pa namin at pakiramdam ko nga nun laro lang ang lahat. Walang seryosohan! Nagkandaleche-leche lang naman nung pumasok na ang concept ng pag-ibig eh. Sabi ng isa mahal niya ako, sabi rin ng isa mahal niya ako, parehas nila akong mahal at nagpapasalamat ako dun pero ang hirap dahil ako mismo nung bandang huli naguluhan na rin… parehas ko silang mahal… parehas ko silang gustong makasama… pero bakit hindi puwede?!

 

Ang selfish ko I know, pero anong magagawa ko? Ano ang magagawa ko kung ang happiness na hinahanap ko ay nanggagaling sa dalawang magkaibang tao?

 

Love,

Papel

 

 

 

 

 

 

 

 

Tags: , , ,