Ano ba ang silbi ng ipis sa mundo maliban sa takutin ako at ang boyfriend mo?

Jul 31, 14 • Everyday, RandomnessNo CommentsRead More »

 

Not so long ago, my friends would always joke around me with cockroaches, but when they found out how strong I am and how far they fly everytime I bump them out of panic, they stopped! At least I made myself clear on that.

 

NO!

 

 

I WILL NEVER EVER UNDERSTAND THE VALUE OF THAT PEST IN MY LIFE!!!

 

Katulad ng boyfriend mong walang kuwenta, ganyan din ang tingin ko sa mga ipis sa mundo! Minsan sumakit na rin ang ulo ko sa kaiisip kung ano ba talaga ang silbi ng nakakatakot na kampon ng demonyo sa buhay ng tao. Galit na galit ako sa tuwing may nakikita akong ipis na patakbo takbo sa kalsada na parang isang malaking Luneta park ang estero. Yung iba pa sa kanila, sobrang kapal ng mukha na sa tuwing uulan na lang eh makikisilong pa sa bahay niyo. Hindi ba kayo naiinis? Unfair di ba?

 

AYAW KO SA IPIS! Walang may gusto dun at kung tatawagin niyo akong bakla dahil takot ako sa PU&*#% $&@ HAYOP na yun, go lang! FEEL FREE MGA TEH! WALA AKONG PAKI! TAKOT AKO SA IPIS AT PROUD AKO DUN!

 

4009770825_0a4aa66ba7

 

Hindi ako makatulog sa gabi sa tuwing may makita akong ipis sa kuwarto at hindi ko ito napatay! Isipin niyo na lang ang “torture” na dulot nun sa akin at kung gaano katinding kaba na baka sa paghahanap ko sakanya ay bigla na lang niya akong bulagain at maging cause of death ko pa! NACACAHIYA!

 

CAUSE OF DEATH: SURPRISED BY A COCKROACH

 

Erase erase! Ayaw ko nun! Hindi ko alam kung saan nagsimula ang takot ko sa ipis at kung bakit ganun na lang ito katindi na kaya kong kalimutan ang aking mag kaibigan sa tuwing may makita akong pesteng kumekendeng-kendeng sa daan! Kahit anong gawin kong pagpapanggap na ako’y matapang hindi ito laging umuubra! Ibang level kasi talaga ang dating ni pareng ipis sa buhay ko na madalas pinagdadasal kong si Sadako na lang ng The Grudge ang makita ko!!!

 

LORD ang unfair naman kasi eh!!!

 

Dos cucarachas en fondo blanco,insecto desagradable.

 

 

Kulay brown, ang baho, ang panget, may sungay, at nanghahabol ng mga duwag! Naranasan niyo na ba yun? Ang lakas din ng trip ng mga gag*ng ‘to eh! Takot ka na nga, hahabulin ka pa nila! Kung saang direksyon ang takbo mo, dun din sila pupunta! NANANADYA! Parang boyfriend mong clingy! LECHE!

 

Pero guys, wait lang teka lang! Ano ba talaga ang silbi nila sa mundo? Bakit natin sila hate? Di ba natin sila kayang iappreciate? HAHA! Joke yun PUT&%@ #*@!!!

 

HINDI! NEVER!

 

Kahit sinong biologist pa ang magsabi sa akin na most cockroaches feed on decaying organic matter which traps a lot of nitrogen, cockroach feeding has the effect of releasing that nitrogen (in their feces) which then gets into the soil and is used by plants. In other words, extinction of cockroaches would have a big impact on forest health and therefore indirectly on all the species that live there.

 

KALOKOHAN!

 

But wait, there’s more!

 

062920121906

 

 

READY TO FLY! TAKBO NA GUYS!

 

The flying ipis!

 

Kahit sino pang lalake yan, kahit bente pa ang abs niyan, tiyak, pag may ipis na lumilipad tatakbo’t magtatago yan! Di ba ang cute? HAHA! Hindi ko rin maintindihan kung bakit mas maraming populasyon ng mga lalake ang takot sa ipis kumpara sa mga babae. Hindi ko ma explain kung bakit minsan parang wala lang sa mga babae ang ipis! Ano ba meron sa inyo girls? Hindi niyo ba nakikita ang halimaw sa maliit na curachang yan!? BULAG BA KAYO!? O GANYAN TALAGA KAYO KAMANHID MGA BABAE KAYO!??!

 

Cockroach_egglaying_1

 

 

Masarap yan sa sinigang baby! Di ba? Natikman niyo na ba yan? I’m sure natry niyo na kaso lang, hindi niyo alam!!!

 

KADIRI!

 

Habang kumakain kami ng dinner kagabi kasama ng mga kaibigan kong taga-ibang planeta, napag-usapan namin ang silbi ng ipis. Triny namin maging mababait na nilalang at jinustify namin sa abot ng aming makakaya ang halaga ng pesteng ito sa buhay ng tao. Basahin mo ang sinabi ng friend ko dahil baka applicable din ‘to sa boyfriend mo!

 

“Every life form, every specie in this planet has a purpose. Cockroaches have their own role to play in this world. They are filthy. Meaning, they eat filth and feed on decays of the humans. So, if ever you see a house so clean with a cockroach in it, that only means one thing; somewhere or somehow, there may be something filthy in your household that’s why they’re there.”

 

Oh di ba ang taray ng friend ko? Filthy daw oh! Ang daming alam! Pero may point siya. Lahat ng bagay sa mundong ito na may buhay ay may halaga kahit pa ipis yan, daga, o bacteria! May ginagawa silang mabuti kahit papaano sa buhay ng tao!

 

cockroach-04

 

 

ito ang cockroach lifecycle, ganito sila nagdedevelop mula itlog hanggang sa pagiging isang ganap na halimaw na hindi magpapatulog sa’yo sa gabi! Kaya nilang mabuhay kahit na magkaroon pa ng nuclear war sa mundo. Hindi sila apektado ng kahit anong atomic explosion o kahit anong biological weaponry pa yan kaya huwag ka ng magtaka kung bakit ang hirap nilang patayin! Pero dahil love ko kayo, ibabahagi ko sa inyo ang infographic na ito kung paano pumatay ng ipis at maging isang ganap na mandirigma!

 

how to kill flying ipis

 

Sana magamit niyo ‘to at maging malaking tulong sa inyong buhay! Kaya kung babalikan talaga natin ang tanong kung ano ba ang silbi ng ipis sa mundo maliban sa takutin ako at ang boyfriend mo?

 

HINDI KO ALAM!

 

Marahil malakas lang talaga ang trip ng lumikha ng sanlibutan. Gusto niya daw may kaunting excitement rin sa buhay ng tao! At girl, nga pala bago ko makalimutan, kung ang boyfriend mo tumili dahil sa ipis na lumilipad at pagala-gala sa lansangan, naku, IWANAN MO NA! Trust me girl, maraming lalakeng takot sa ipis lalo na pag lumilipad ito pero wala pa akong nakikitang lalakeng TUMITILI na talo pa si Charice Pempengco sa pagka high pitch ng boses nito!

 

Good luck! HAHA! Hoy, may ipis sa tabi mo!

 

 

PU&@#$ %N# TAKBO!!!

 

 

 

 

Tags: , , , , ,