Si Juana, Ang 10 Million Pesos, at Ang Basura

INTERIOR. SM ACTIVITY CENTER. DAY

Nanonood ng pageant si Ely at Kim habang si Sean naman ay abalang nagjujudge ng contest at nakikipagtalo sa isang contestant kung good afternoon ba o good evening ang dapat na gamiting pambati kapag 06:55PM na sa relo.

 

SEAN

Good afternoon.

JUANA

Good evening po.

SEAN

Good evening na ba?

JUANA

Opo.

SEAN

6:55 pa lang. may 5minutes pa.

Magrereact si Ely sa narinig habang nasa loob ng kanyang ilong ang isa niyang daliring na pilit na sinusungkit ang kulangot na natuyo na at naging fossil sa loob ng kanyang nasal passage.

ELY

Grabe talaga yan si Sean, ayaw magpatalo!

KIM

Naku, si Sean pa. Marami laging nasasabi yan!

Isusubo ni Ely ang fossil na galing sa loob ng kanyang ilong. Mapapansin ito ni Kim ngunit hindi niya ito pupunahin sapagkat ginagawa niya rin ito.

Mamimili na si Sean ng itatanong sa contestant mula sa mga nakalistang tanong sa kanyang papel na sinulat kamay lang ng isang batikang screenwriter.

SEAN

Contestant number 8, here’s your question.

JUANA

Juana po. Call me Juana.

SEAN

Ok Juana, contestant number 8, ito ang iyong tanong.

JUANA

Juana na lang po.

SEAN

P*#&[email protected]#^# mo, pakinggan mo na ang tanong!

(sabay ngiti)

Kung bibigyan ka ng isang kumpanya ng 10 Million pesos para iendorso ang produkto nila, tatanggapin mo ba ito?

JUANA

Opo! Opo! Tatanggapin ko po!

SEAN

HOY! BILAT KA! hindi pa ako tapos magtanong!

Kung bibigyan ka ng isang kumpanya ng 10 Million pesos para iendorso ang produkto nila,

tatanggapin mo ba kahit pa na ang isa sa mga kundisyon na nakapaloob sa kontrata ay titigil kang mag-aral?

JUANA

Salamat po sa inyong katanungan. Unang-una sa lahat po, bakit naman po nila kelangan akong patigilin sa pag-aaral?

SEAN

Ayy malay ko sakanila, yan ang nakasulat dito sa papel eh binasa ko lang!

JUANA

Binasa niyo lang po? Hindi niyo pinag-isipan kung tama ang tanong na yan?

SEAN

Ahh, so ako contestant dito? Ikaw ang judge?

JUANA

Pasensya na po… … Kung ako po ang inyong tatanungin…

SEAN

Ikaw nga! Alangan naman yung host yung tinatanong ko!

JUANA

Opo. Kung ang host po ang tatanungin.

SEAN

BOBO ka talaga! Ikaw nga tinatanong!

JUANA

Kung ako po tatanungin, dahil kasali po ako sa contest na ito at nanonood po ang aming prinsipal,

hindi ko po tatanggapin ang 10 Million pesoss dahil po hindi matutumbasan ng

kahit na anong halaga ang edukasyon. Mabilis lang po maubos ang 10 Million pesos,

pero ang edukasyon po ay isang permanenteng solusyon sa mga problemang aking

kakaharapin sa mga susunod na mga araw.

Tatayo ang prinsipal at papalakpakan si Juana. Sobrang lakas ng palakpak nito na nagtinginan ang lahat ng tao sakanya. Siya lang mag-isa ang nagreact sa sagot ni Juana.

Magrereact din si Ely sabay subo ulit ng isa pang fossil na matagumpay niyang nakalkal sa pinakamalalim na parte ng kanyang ilong.

ELY

Ang bobo naman nun! Kung ako, tatanggapin ko ang 10 Million Pesos!

Pag natapos ko ang kontrata ko, saka na lang ako mag-aaral ulit, at least mayaman na ako!

Naririnig ng prinsipal si Ely.

PRINSIPAL

Ano sabi mo? Tanging ang yumaman lang ba ang gusto mo?

ELY

Oo naman ma’am! Di ba yun din ang gusto mo?

PRINSIPAL

Oo! Yun din, pero hindi puwede yung sagot na yan sa pageant na ito!

ELY

Ha? Bakit naman?

PRINSIPAL

Kasi wala pang nananalo dito na ang katotohanan ang isinagot! Dapat lahat ng sagot

mo ideal at appealing sa mga nanonood! Yung kunwari ang bait bait mong tao!

Mananahimik lang si Kim habang nagsasagutan si Ely at ang prinsipal. Abala rin siya sa pagmimina ng mga nakabaong yaman sa kanyang ilong. Patuloy siyang magdadial ng 8-MCDO habang patuloy namang nagpapatalinuhan ang prinsipal at si Ely.

ELY

Tignan mo ang iniwang kalat ng mga estudyante niyo ma’am.

10735728_10204359899854091_1336988246_n

PRINSIPAL

Siguradong hindi mga estudyante ko ang nagkalat niyan!

ELY

Eh sino pa ba magkakalat? Mga janitor?

PRINSIPAL

Teka teka, bakit napunta tayo sa kalat?

ELY

Trip ko lang. At yan ba ang sinasabi mong edukasyon?

PRINSIPAL

Ibang usapan na yan.

ELY

I beg to disagree.

PRINSIPAL

I beg you. Huwag mong ipost yan.

ELY

Too late na ma’am. Nagpapicture na ako.

10660779_10204359898894067_980673490_n

Yuyuko na lang ang prinsipal. Mapapaisip siya ng matagal. Titingin siya sa malayo. Maghahanap siya ng upuan. Uupo siya at iiyak. Kukunin niya ang kanyang puting panyo sa bulsa. Kakain siya ng talaba. Tatawa bigla si Kim.

KIM

WAHAHAAHAHAHAHAHA!

Magugulat si Sean at Ely.

SEAN AT ELY

Oh KIM!? Anong nangyari?!

KIM

Wala, may nabasa lang ako sa bagong libro ni Bob Ong.

ELY

May bagong libro si Bob Ong!?

KIM

Oo! Lumayo Ka Nga Sa Akin!

ELY

Malayo naman ako ah!

KIM

Bobo! Yun ang title!

SEAN

Juana, ano na, sigurado ka na bang edukasyon over 10 Million pesos?

Titignan ni Juana ang umiiyak na prinsipal.

JUANA

Sigurado na po.

Tatayo bigla ang prinsipal, pupunasan ang kanyang mga luha, tititigan si Juana at sabay palakpak dahil sa napakahusay na pagsisinungaling nito.

CUT

Tags: , , , , , ,