Ch. 1 – 9th Floor

Feb 14, 14 • BookNo CommentsRead More »

 

As promised, I am sharing to you the first few paragraphs of the book I’m writing. I’m so excited for this because I have been all over this for almost a year already, well, blame the topsy turvy flick of my emotions and mood. This one is really quite personal, it’s a mixture of facts and fiction that actually happened to me in the course of my entire college life. It also includes things that I wished happened, but never did. A roller coaster of emotion and fun-filled realization about life and about tomorrow that holds no certainties. 🙂 Please do enjoy a little of it for now here.

 

Thank you!

 

-Ely

 

 

“Hi, new dormer ka? Paul nga pala, 3rd year Multimedia Arts.”

 

Iniabot ni Paul sa akin ang kanyang mga kamay para makipagsheyk hands. Natulala ako at nanlamig, parang gumaan bigla ang limang bag na nakasabit sa aking mga balikat, kakaiba ang feeling, hindi ako sanay sa ganitong klaseng first meeting at sa loob ng elevator pa talaga nangyari kung saan kaming dalawa lang ang sakay. Ang awkward. Ang bait ni Paul, lagot na! Nakipagkamay ako habang namumula ang mukha, namamawis ang kamay, at abot patilyang mga ngiti. Dala-dala ko ang aking mga gamit, may pasok na bukas, move-in date ko ngayon sa dorm. Bago ko iniwan ang bahay nag-away pa kami ng mommy ko kung kaya’t hindi ako naihatid, nag taxi na lang ako o cab kung tawagin ng mga sosyal. Unan, kumot, mga damit, hanger, sapatos, libro, at kung anu-ano pa na hindi naman kailangan ang bitbit ko; exciting ang feeling, excited ako, ano kaya ang nag-aantay sa akin sa kalij? Sino kaya mga dormeyts ko? Rumeyts? Klasmeyts? Unang friends? Unang crush? Unang ka… ahmm… ahh… basta lahat ito inisip ko, lahat ito nagpasaya pa lalo sa akin. Sa wakas malaya ko na rin magagawa ang lahat ng gusto ko. Wala na ang mga guwardiya sibil; puwedeng-puwede na akong maglaro ng kahit na anong gusto kong laruin sa kahit anong paraang aking naisin…

 

“Boks nga pala. Yup, bagong dormer. COMSCI ang course ko,” sagot ko kay Paul ng biglang tumunog na ang elevator at nagbukas ang pintuan, (*slowmo effect, kumikislap-kislap ang paligid, may wind effect) ito na ba ang langit?

 

“Tulungan na kita,”

 

Hindi ko alam ang dapat na reaction, mas lalo lang akong namula na parang nakasagi ako ng nuno, bumilis pa lalo ang tibok ng aking puso pero nahimasmasan rin naman nung nakalabas na kami ng elevator. Magpapakipot ba ako? Shy type effect? O magpapasalamat na lang? Ahh… sige na nga sige, sa susunod na lang ako kekerengkeng…

 

“Thanks Paul!”

 

Yan na lang ang nasabi ko habang bitbit na ni Paul ang bag kong libre lang sa Duty Free kapag bumili ka ng alak. Puros mga libro ang laman nito kaya mabigat, pero matipunong lalake si Paul at malaki ang pangangatawan kung kaya’t kayang-kaya niya itong buhatin na hindi man lang nahihirapan.

 

 

 

Tags: , , , , , , , , , , ,