PUSH MO YAN!

Apr 25, 13 • Everyday, Randomness, THIS!3 CommentsRead More »

Yung feeling na masaya, kinikilig, at ang sarap lumandi…

 

Yun yun eh. =))

 

Yung tipong hindi mo alam ang gagawin pag nasa paligid siya. Magsasalita ka ba? Magpapabibo? O mananahimik na lang na parang tanga sa loob ng banga? Pero yun nga, nakakakaba, nakakapigil hininga, at minsan nakakasira ng ulo… ayyy, hindi pala minsan, madalas pala talaga… tara pag-usapan natin… GUSTO MO TO EH!

 

Simulan natin sa first meeting:

Ano ba ang eksena sa first meeting niyo? Natulala ka ba sa kanya’t nahumaling agad? Love at first sight? O bet mo lang talaga landiin siya nun pero di mo inakalang magiging seryoso ang lahat? O isa ka ba sa mga taong wala ng nagawa kundi tanggapin na mahuhulog at mahuhulog ka sa taong yun sa ayaw at sa gusto mo?

 

Ano ang eksena nung first meeting niyo? Alalahanin mo nga… Nung nalaman mo ang name niya? Nung naghello ka at naghello siya sayo? Yung epal mong kaibigan na inasar ka agad sakanya? Yung hindi mo naitago ang kilig? Ano number niya? AGAD AGAD!? NUMBER AGAD?! MALANDEH!!! haha! Teka, balik tayo, napapangiti ka pa rin ba nito ngayon sa tuwing inaalala mo? O hinihiling mo na sa hindi na lang nangyari yun? Na sana hindi mo na lang siya nakilala?… … …

 

Ohh huwag emo, move on tayo!

 

The-crush

 

NEXT. Ang pagiging close friends.

 

TEKA! TEKA! TEKA!, malandi ka talaga eh! Bakit kayo naging close pala? Sinong may pakana, ikaw ba o siya? Huwag magdeny teh! Alam mo yan. Kanya-kanyang paraan yan! =)) anyway highway, ayan na nga close na kayo, go! Pak! Sure! may magagawa pa ba ako?  kamusta naman ngayon ang pagpapakita mo ng motibo? Sumastrategy ka rin ba?

 

Hmmmm…

 

STRATEGY! BIG WOOOORD! Isa-isahin natin.

UNA!

 

nilalandi-ni-crush

 

1. Nagpapamisss. Hindi magtetext, hindi magtitweet, magkukunwaring busy, hindi masyadong mamansin, kunwari cold sa kanya sa tuwing magkasama, hindi matatawa sa mga banat at jokes niya, at higit sa lahat, ito ang pinaka PAK! na PAK! Ang magpapamiss ka pero sa totoo lang ikaw ang nakakamiss sakanya kung kaya todo bawi ka naman pagkatapos ng iyong eksena na dadalhin tayo ngayon sa strategy number:

 

535740_249122101898219_1385926426_n

 

2. Ang maglambing. Lalambingin si crush, aalahanin, at ipaparamdam sa kanya na parang siya na ang pinaka importanteng nilalang na mula sa langit. Kumain ka na ba? Sleep ka na po. Huwag po magpuyat. Kain na po kayo. At kung anu-ano pang kakesohang maisip basta lang magmukhang concerned. Kaunting touch touch, hawi ng hair, akbay akbay, hampas hampas, at pigil-pigil rin kahit gustong-gusto mo na siya sa totoo lang yakapin. PUSH MO YAN TEH! at kung hindi man umubra ang strategy na ito, pupunta agad sa next strategy:

 

3t8ruu

 

3. Ang magpaBEBE. To the left to the right, umikot ng sabay sabay, bye bye suklay lang peg natin, NAKAKALOKA! Ito ang opposite ng maglambing. Ngayon, eeksena nanaman tayo para tayo naman ang lambingin. Magtatampu-tampuhan para kulitin. Hindi magrereact sa mga kuwento, magkukunwaring walang pakialam, at magsasabing “wala ako sa mood” “masama pakiramdam ko” “sa susunod na lang” pag tinatanong naman ang sagot ay laging “hindi ko alam” at kung anu-ano pang ka echosan! Ang classic dito ay pag hindi nagreact si crush sa paraang gusto natin siyang magreact, ang lambingin rin tayo. SAMPAL SA FACE teh! Ang sakit di ba? WORLD WAR NA ITETCH! FOR REAL! GINUSTO MO YAN EH! =))

and siyempre, finally, pag hindi umubra ang isa sa tatlong ito, pupunta tayo sa pang-apat na strategy, ang PINAKA! pamatay sa lahat, ang PAK NA PAK! ANG ULTIMATE STRATEGY FOR ALL SEASONS!

 

4. Ang combo attack. Ang combo attack ay ang malikhain nating pagamit ng sabay-sabay ng Strategies 1, 2, at 3. Minsan, natutuluyan tayo dito. Natutuluyan maging baliw at bipolar. Mag-ingat sa strategy na ito dahil marami na itong nasaktan. Marami ng pinaasa. At marami ng sinirang magandang samahan dahil kadalasan, natututo tayong mag ASSUME. Nagaassume tayo dahil sa tuwing gagamitan natin ng strategy si crush ay ibinibigay naman nito ang gusto nating reaksyon pero madalas hindi natin naiisip na baka ganun lang talaga siya sa mga kaibigang malapit sa kanya. BOOM!

 

420040_347859255292881_209302964_n

 

Masaya kasi eh no? Ang stages na ito ng puros kilig moments lang na para bang wala ng bukas tayo kung kiligin. Landi dito landi doon, landi everywhere. Ang sarap talaga ng feeling kasi eh… PUSH lang ng PUSH hanggang sa ayan na nga, nahulog ka na sa kanya teh! End of the world na for you! Tapos na ang maliligayang araw mo! You’re dead! You’re fucking dead bitch! =))

 

3pwq4o

 

 

Ganun pa man nga, wala pa rin talagang makakapantay sa sayang dala nito. Parang Alaska (hindi ito paid advertisement) kumbaga, WALA PA RING TATALO sabi nila! Parang Nido rin minsan na WORLD’S NUMBER 1! Pero yun nga, ang laging kuwento ng karamihan sa atin ay ang saya-saya talagang magpakatanga at maging parang Banco de Oro (wala akong savings duon) para sakanya na kung saan WE FIND WAYS! lagi ang drama! Lahat ibibigay! Ganun pa man, sana kahit inlababo na ang bobo nating mga puso, huwag naman nating kalimutan ang ating mga sarili dahil pagdating ng araw, matapos man ang lahat ng fairytale adventures na ito at hindi man magkaroon ng happily ever after ang lovestory ng buhay natin, buo pa rin tayong maituturing. Sugatan man at injured, at least hindi sobrang basag at kalat-kalat na parang basurang nag-aantay na may pumulot at magrecycle. Huwag tayong SM na WE’VE GOT IT ALL FOR YOU! kasi nakakapagod yun at nakakaubos ng lakas, sa halip, maging parang Metrobank tayo na kung saan sisiguraduhin natin na pag nainlab ulit tayo eh PAK na PAK namang worth it ang taong yun na mahalin! Yung tipo bang alam mong YOU’RE IN GOOD HANDS! Okie?

 

 

PAK! PUSH MO YAN! 

 

*Sinulat para kay idiot.*

 

Follow me on Twitter and IG: @ELYmentaryKid

 

 

Tags: , , , , , , ,