Yung Feeling Na

May 5, 13 • Everyday1 CommentRead More »

image

Alam mo yung feeling na binabaliktad ang mundo mo na parang ang sarap sarap tumambling dahil nakakapraning ang mga naiisip mo?

Yung feeling na rejected ka na ignored na parang hindi ka niya kilala na parang wala ka lang sa kanya yung parang ewan na hindi mo na maintindihan kung ano ba talaga siya sa buhay mo at kung sino ka ba talaga sa buhay niya…

image

Yung feeling na ayaw mo na siya makita, ayaw mo na siya makausap, delete mo na number niya, block sa Twitter, report as spam, unfriend sa Facebook, at lahat-lahat na. Dart sa heart ang peg pero di mo pa rin talaga magawang kalimutan siya.

Yung feeling ng lahat ng feeling na ito nagsabay-sabay mong naramdaman sa isang araw dahil sa isang simpleng dahilan…

HINDI SIYA NAGREPLY SA TEXT MO!

Punyetaaaa! =)) Aminin mo, naramdaman mo na rin ito di ba? Lalo na sa mga unang stages ng pagkakagusto mo sa kanya…

Tapos…

Biglang…

image

Ang sarap isipin na ang nangyayari ay parang PUSH MO YAN drama. Na sana ito na nga. Pero yun, marerealize mong… isa kang malaking naglalakad at nakangising HOPIA! PAK! DART SA HEART ulit!

image

Yung feeling na ano ba naman yan umaambisyon ka nanaman. Malabong mangyari yun. Imposible. Hindi niya ako magugustuhan. Hindi magiging kami.

Yung feeling na ASA to the max ka nanaman. Masasaktan ka lang. Makekemerut ka lang. Machuchukchak nanaman si heart. Mag tears tears at cry cry ka nanaman…

image

Yung feeling na maiilang ka na dahil alam niya na. Yung hindi na kayo magiging friends pa. Yung ano kaya ang nasa isip niya? Ano kaya ang nasa utak niya na ngayong alam niya na? Iiwasan ka ba niya? Maiilang ba siya sa’yo?

image

Hindi na matapos-tapos. Kaya siguro sinabing nakakabaliw ito. Kaya nga siguro nakakapraning, nakaka-aning, nakakaTorete dahil sa halo-halog emosyon na ating nararamdaman sa tuwing magmamalfunction nanaman ang ating mga puso. Pero sa kabila ng lahat ng ito, wala eh, hindi natin macontrol. Hindi natin mapigilan. At mas lalong hindi natin maiwasang makaramdam ng ganito. Sabi nga nila, we are all powerless when it comes to love. Walang magaling sa atin pagdating sa pag-ibig, pero meron lang talagang mga tao na sadyang masuwerte dito.

image

Iba-iba ang ating kapalaran at iba-iba ang takbo ng ating tadhana pero ganun pa man, pag nagsimula ng tumibok ang ating mga puso, iisa lang naman ang hinahangad natin eh, iisa lang naman ang hinihiling natin, at yun ay yung feeling na mahalin rin tayo ng taong minamahal natin. Yung feeling na pahalagahan rin tayo gaya ng pagpapahalaga natin sa kanila. Yung feeling na ganun, yung kahit alam mo minsan na kakambal ng pagmamahal ang sakit ay ok lang. Keber lang. Keri lang teh. Kasi alam nating masaya tayo sa kabila ng lahat at alam natin na kung hindi man sa ngayon ay darating rin ang taong para sa atin SOMEDAY. 🙂

image

AMEN!?!? =))))) PAK!

Follow me on Twitter and IG: @ELYmentaryKid

PS:

image

Tags: , , , , , , , , ,